Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sanggol todas sa reseta ng pekeng doktor

$
0
0

UMESKAPO na ang isang pekeng doktor na nagreseta ng maling gamot na ikinamatay ng kanyang may sakit na pasyenteng sanggol sa Albay.

Ayon sa Sto. Domingo PNP, kanila nang iniutos ang paghuli sa suspek na kinilalang si Dr. Cloydd Nasal-Ballares para panagutin sa krimen.

Pero ayon sa pulisya, wala na ang salarin sa kanyang klinika na nasa Barangay Sto. Domingo nang puntahan nila kaninang umaga, Agosto 20.

Bago ito, sinabi ng mag-asawang ayaw magpabanggit ng pangalan at residente ng Purok 4, Barangay Sto. Niño, nilagnat nitong nakaraang Biyernes ng gabi ang kanilang 23 day old baby kaya itinakbo nila sa pagamutan.

Pero dahil naipit sila sa matinding trapiko sanhi ng anibersaryo ng Iglesia ni Kristo sa Sto. Domingo ay napilitan silang ipatingin na lamang sa isang klinika na kanilang nadaanan ang bata.

Matapos suriin, niresetahan sila ni Nasal ng gamot na para mapababa ang lagnat.

Pero kinaumagahan, may nakita ang mag-asawa na dugo na lumalabas sa bibig at ilong ng bata maliban pa sa mga rashes na lumitaw sa buong katawan nito.

Isinugod ng mag-asawa sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang kanilang anak ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Sa imbestigasyon ng Sto. Domingo Municipal Police Station, napag-alaman na walang lisensya si Nasol ngunit matagal nang nanggagamot sa naturang lugar.

The post Sanggol todas sa reseta ng pekeng doktor appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>