SABIT sa pagpatay ang mag-aama nang pagsasaksakin ang isang binata sa Ilocos Norte, Lunes ng gabi, iniulat ngayon ng pulisya.
Nakakulong na sa Paoay PNP detention cell at sasampahan ng kasong murder ang mag-aamang sina Jelymar Caraang, 20, Joe, 27, at ang kanilang ama na si Jessie, pawang ng Barangay Callaguip.
Dead on arrival naman sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Belmar Labasan, 21, ng nasabing barangay.
Naganap ang insidente alas-11:45 ng gabi nitong Lunes malapit sa isang lamayan ng patay sa Barangay Callaguip.
Ayon kay S/Insp. Paul Benedict Parado, chief of police ng PNP Paoay, bago ang insidente ay nag-away ang biktima at ang suspek na si Jelymar ngunit napaghiwalay din agad ng barangay officials.
Pero sa kanyang pag-uwi, nagsumbong si Jelymar sa kanyang ama at kapatid kaya sama-sama nilang hinanap ang biktima kaya nang nakasalubong ang biktima ay kanilang pinagsasaksak.
The post Binata kinatay ng nakaalitang mag-aama appeared first on Remate.