INAMIN ni Justice Secretary Leila de Lima na malaking hamon ang ginagawang pagtugis ng mga awtoridad sa pugante na si Janet Lim Napoles at kapatid nitong si Reynald Lim.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang lead ang National Bureau of Investigation sa kinaroroonan ni Napoles na may warrant of arrest dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa ng whistleblower sa pork barrel scam na si Benhur Luy.
Ayon kay de Lima, mahirap tugisin ang isang pugante na maraming koneksyon at salapi.
Dagdag pa dito ang ilang araw na pag-ulan na naglilimita sa paggalaw ng NBI.
Sa pinakahuling rekord ng Bureau of Immigration hindi pa nakakalabas ng bansa ang dalawa lalo pa at kanselado na ang kanilang mga pasaporte.
Bukod dito, isinailalim na rin sa freeze order ang mga bank account ni Napoles upang mapigilan ang posibleng pagpuslit nito palabas ng bansa.
The post DOJ inamin na hirap tugisin si Napoles appeared first on Remate.