NAKASADSAD pa rin sa bahagi ng pantalan ng Bogo, Cebu ang Roll-On, Roll-Off (RORO) vessel na sumadsad sa mababang parte ng pier.
Matatandaang 63 pasahero ang nailigtas sa pagsadsad ng M/V Super Shuttle 10 na pag-aari ng Trans-Asia Shipping Lines.
Ayon kay Philippine Coast Guard Central Visayas Chief, Commodore William Melad, sisikapin nilang muling imaniobra ang barko para ibalik sa normal na posisyon sa Polombato Port Terminal.
Patungo sana ang RORO na pag-aari ng Trans-Asia Shipping Lines sa Palompon, Leyte nang mangyari ang insidente.
The post RORO vessel sa Cebu, nakasadsad pa rin – PCG appeared first on Remate.