BASAG ang ulo at nalasog ang katawan ng isang lalaking hiniwalayan ng kanyang nobya nang tumalon sa ikaapat na palapag ng isang mall sa Davao, Martes ng gabi.
Agad na nalagutan ng hininga ang hindi pa nakilalang biktima na inilarawang 30-33 anyos, 5’4 at nakasuot ng puting polo shirt at itim na cargo pants.
Sa ulat, naganap ang insidente pasado alas-8:00 kagabi sa isang kilala at malaking mall na hindi na binanggit ang pangalan.
Ayon sa nakasaksi, bago ang insidente ay nakita niya ang biktima na tila wala sa sariling palakad-lakad sa nasabing palapag.
Sa pag-aakalang namamasyal lamang, bumalik na rin ang nasabing testigo sa pagsa-shopping pero ilang sandali lamang ay nakarinig na siya ng komosyon mula sa ground floor ng mall.
Nang kanyang dungawin sa terrace ang komosyon ay nakita niyang nakabulagta na sa sahig ang ulo ng biktima.
Wala pa ring kamag-anak na nagki-claim sa bangkay ng biktima.
May lumutang na impormasyon na nagpakamatay ang lalaki matapos hiwalayan ng girlfried pero hindi pa ito makumpirma.
The post Hiniwalayan ng GF, kelot dumayb sa Davao mall appeared first on Remate.