Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Fake high-end bags nasabat ng BoC

$
0
0

MULING napigilan ng Bureau of Customs (BoC) ang iligal na pagpasok ng mga kontrabando mula sa Tsina na magdudulot sana ng P500-Milyong pagkalugi sa mga lokal na mangangalakal matapos madiskubre ang mga kargamento sa Manila International Container Port (MICP).

Personal na pinangunahan ni BoC Commissioner Rozanno “Ruffy” Biazon ang pag-inspeksyon sa mga nasabat na kontrabando na kinabibilangan ng mga pekeng high-end bags, hindi rehistradong gamot, computers, cameras at damit na nakasilid sa tatlong 40-footer container vans.

Ayon kay Biazon, mawawalan sana ng kita na aabot sa P500-milyon ang mga lehitimong distributor ng high-end signature products gaya ng Louis Vuitton at Chanel kung hindi ito napigilan.

“These seizures are definitely a big boost to the market, especially for the distributors of high-end international brands as this will enhance investor confidence in the country. Moreover, this will also avoid unfair competition in the local market due to the availability of cheaper, low quality smuggled fake products,” sabi ni Biazon.

Dagdag pa ng Customs Chief, ang mga nasabat na kargamento na hindi pa tukoy ang kabuuang halaga ay naka-address sa consignee nito ang Tumbler Enterprises na umiwas sa pagbayad ng kaukulang buwis sa pamamagitan ng misdeclaration.

Samantala, pinuri naman ni Biazon ang mga alertong tauhan ng BoC-Intellectual Property Rights Division (IPRD), na nagsagawa ng masusing surveillance operation na humantong sa pagkakakumpiska ng mga nasabing smuggled goods.

Ani Biazon, ang IPRD ay nangakong bibilisan ang proseso ng imbestigasyon nang sa gayon ay pormal na masampahan agad ng kaukulang kaso ng Run-After-The-Smugglers ng ahensya ang mga sangkot dito.

The post Fake high-end bags nasabat ng BoC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129