LUMALAGAPAK na sampal ang natikman ng hinihinalang lulong sa ipinagbabawal na gamot mula sa mga nagngingitngit na taumbayan nang malaman na dumanas ng pagmomolestiya ang isang menor de edad sa kanyang kamay noong Biyernes ng umaga sa Marcelo 1 Extension, Barangay Bagumbayan, naturang lungsod.
Sa pautal-utal na pagsasalita ng biktima na itinago sa pangalang Evelyn, alas-8:00 ng umaga nang magtungo sa kanyang ate upang isumbong ang kahalayan na ginawa sa kanya ng suspect na si Dennis Salipong Cadalin, 19, walang hanapbuhay at nakatira sa nabanggit na lugar.
Sa sumbong ng bata sa kanyang nakatatandang kapatid, isinalaysay nito na natutulog siya sa kanyang silid nang magising siya sa ginagawang paglapastangan ng suspek sa maselang bahagi ng kanyang katawan.
Binanggit pa ng biktima sa kanyang ate na pinagbantaan siya ng suspek na huwag siyang magsusumbong kanino man upang hindi malagay sa peligro ang kanyang buhay.
Dahil sa natuklasan, agad na nakipag-ugnayan ang kapatid ng biktima sa mga otoridad ng barangay at sa Sub-Station–Tanyag kung saan sa ilalim ng pangangasiwa ni PCI Rey M. Viloria ay mabilis na natunton ang kinaroroonan ng sinasabing adik.
Sa isinagawang apprehending operation nina SPO2 Abdurahman Madueño, PO3 Eric Petalio, PO2 Medelino Peji, BSFs Leandro Pagsisihan at Ernesto Parico, kinurdon nito ang itinurong lugar na pinagtaguan anila ng suspek at nang makita ay mabilis na binitbit at ikinulong upang lapatan ng kaukulang kaso.
Nabatid din na nasangkot na sa isang kasong krimen ang suspek noon subalit sa ‘di mabatid na dahilan ay agad anilang nakalaya.
The post Ineng minolestiya ng adik sa Taguig appeared first on Remate.