NASAKTAN sa aksidente ang isang tsuper nang magkarambola ang tatlong pampasaherong bus na ang isa ay minamaneho sa Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Main Avenue sa Quezon City kaninang umaga (Agosto 27).
Isinugod sa Philippine Orthopedic Hospital (POH) sanhi ng iniindang kapansanan sa balakang ang drayber ng Super 5 bus line na si Alex Aroco.
Hindi naman nasaktan ang dalawa pang bus driver na hindi nakuha ang mga pangalan at maging ang kani-kanilang mga pasahero.
Sa imbestigasyon ng mga rumespondeng kawani ng Metro Manila Development Authority (MMDA), naganap ang insidente dakong 6:30 ng umaga sa southbound lane ng EDSA at Main Avenue.
Bago ito, mabilis ang takbo ng Super 5 Bus na minamaneho ni Aroco sa palusong, na bahagi ng Main Avenue, nang mawalan ito ng preno.
Sa bilis nang tinatakbo ng nasabing bus, sinuwag nito ang dalawang sinusundang Lucena Bus at Cher Bus.
Sa lakas ng banggaan, wasak ang harapan ng Super 5 bus at likuran naman ng napuruhang Cher bus at tumagas ang diesel mula sa mga naturang bus na agad namang napigil ng MMDA ang pagkalat.
Umabot ang dulo ng trapik hanggang sa bahagi ng Kamuning, pasado alas-7:15 na ng umaga nang matanggal sa lugar ang mga nagkarambolang bus.
The post 3 bus nagkarambola, 1 sa tsuper nalamog ang balakang appeared first on Remate.