NIYANIG ng 3.0 magnitude na lindol ang Negros Occidental kaninang umaga Agosto 27, 2013 (Martes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang lindol sa kanluran ng Hinoba-an, Negros Occidental alas-10:30 ng umaga kanina.
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang intensity 3 na lindol sa Hinoba-an, Negros Occidental.
Habang naramdaman ang intensity 2 na lindol sa Basay, Negros Oriental at Sipalay, Negros Occidental.
Naitala naman ang intensity 1 na lindol sa Bayawan City, Negros Oriental.
Nabatid pa sa Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 045 kilometro.
Wala naman iniulat napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol.
The post Negros niyanig ng 3.0 magnitude na lindol appeared first on Remate.