DAHIL sa udyok ng demonyo, ginahasa ng isang lolo ang dalagitang anak ng kanyang pamangkin sa Cebu.
Dinampot naman agad at kakasuhan ng rape ang hindi pinangalanang suspek na kung hindi pa bumukol ang tiyan ng biktimang itinago sa pangalang Judy, 15, grade 7 pupil ay hindi mabubunyag ang krimen.
Ayon sa biktima na apat na buwang nagdadalantao, bago nabunyag ang insidente ay tatlong ulit na siyang ginahasa ng suspek na ang una ay noong 12-anyos pa lamang siya at ang pinakahuli naman ay nitong nakaraang Agosto 25 lamang.
Itinataon ng suspek na wala aniya sa kanilang bahay sa Barangay Caduawan, Tabogon, Cebu ng kanyang nanay bago siya gahasain nito.
Sa takot na totohanin ng suspek ang banta na papatayin silang mag-ina kapag siya ay nagsumbong ay nagsawalang kibo na lamang ito.
Ngunit nang mapansin ng nanay ng dalagita na lumalaki ang tiyan ng kanyang anak, kinompronta ito kaya hindi na nakapagkaila pa at sinabi ang buong katotohanan.
Agad namang dumulog kay PO3 Alman Acaban ng Tabogon Police, ang ina ng biktima at ipinahuli ang kanyang tiyuhin.
Inamin naman ng suspek ang panggahasa at isinisisi sa bulong ng demonyo kaya niya nagawa ang naturang kasalanan.
The post Lolong bumuntis sa apo, udyok ng demonyo appeared first on Remate.