TODAS ang isang lalaki at malubhang nasugatan ang tatlong iba nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Poblacion, Sta. Catalina, Ilocos Sur.
Nakilala ang nasawi na si Jay Castillo, ng Barangay habang ang mga sugatan ay kinilalang sina John Felix Lucero, ng Barangay Namalpalan, Magsingal; Pia Ragasa at Hipolito Rapadas, kapwa ng Barangay Poblacion, Sta. Catalina.
Nabatid na binabagtas ni Castillo kasama si Ragasa ang kalsada sa Barangay Poblacion at umagaw sa kabilang linya ng kalsada kung kaya’t nabangga niya ang motorsiklong minaneho ni Rapadas na kasama naman si Lucero.
Bunsod ng lakas ng impact, pare-pareho silang tumilapon ng mga ito at nag-tamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
The post 2 motorsiklo nagsalpukan: 1 todas, 3 malubha appeared first on Remate.