HINOSTAGE ng isang lalaking lango sa ipinagbabawal na gamot ang kanyang sarili sa Quezon City nitong Martes ng gabi, Agosto 27.
Ilang oras din na nakatutok ang patalim sa sariling tiyan ng suspek na si Edmund Ortega pero nang mawala na ang epekto ng droga ay bigla na lamang nakatulog.
Mabilis namang kinuwelyuhan at dinisarmahan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) si Ortega bago pa ulit magising.
Ayon sa kalive-in ng suspek na tumangging magpakilala, alas-7:00 Martes ng gabi nang dumating si Ortega sa kanilang bahay sa Caliraya St., Barangay Tatalon.
Sa ikinilos nito, hinihinalang naka-droga ang suspek dahil bukod sa mapula ang mata ay balisa rin at nagsasalitang mag-isa.
Maya-maya lang, bigla nitong hinostage ang kanyang live in partner ngunit pinakawalan din kinalaunan matapos ang kanilang matinding pag-aaway.
Planong sampahan ng kasong unjust vexation ang suspek.
The post Adik, hinostage ang sarili sa Quezon City appeared first on Remate.