BUMULAGTA sa kalsada ang isang lalaking nag-amok nang sa kabila ng tama ng bala sa paa ay tatagain pa rin ang pulis na bumaril sa kanya sa Antique nitong Martes ng hapon (Agosto 27).
Nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre 9mm sa katawan at namatay noon din ang biktimang si Emmanuel Legaspi, 53-anyos residente ng Barangay Nagbangi, San Remigio, Antique.
Sumuko naman agad sa awtoridad ang nakabaril sa nag-amok na si P02 Christopher Tucusin, nakatalaga sa Sibalon PNP.
Naganap ang insidente dakong 4:35 nitong Martes ng hapon sa Plaza ng Sibalom.
Bago ito, may market day sa may palengke ng nasabing barangay nang biglang mag-amok ang suspek na sinabing may nervous breakdown.
Nagkataon naman na naroon sa palengke si Tucusin at nang i-hostage nito ang isang lalaki at tangkang tagain pa siya ay napilitan ng barilin ito ni Tucusin sa paa para maparalisa.
Pero sa kabila nito, inatake pa rin siya ng suspek kaya napilitan na itong barilin ulit ng naturang pulis.
The post Lalaking nag-amok, tepok sa parak appeared first on Remate.