SWAK sa kulungan ang isang binata matapos makitang dala ang ninakaw na tricycle sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Agosto 28.
Kinilala ang suspek na si Jomar Parada, 21-anyos, ng Langaray St., ng nabanggit na lungsod.
Sa pahayag ng biktimang si George Bustamante, 41-anyos ng A. Mabini St., ng lungsod, kahapon ay ipinarada niya ang kanyang Kawasaki 125 (UY-4607) sa tapat ng kanilang bahay at umalis.
Dakong alas-5:30 ng hapon, nakatanggap ng text ang biktima mula sa isa niyang anak na nawawala umano ang kanilang tricycle na naging dahilan upang umuwi ang una at magsumbong sa mga pulis.
Nag-ikot-ikot ang mga pulis hanggang makita ang tricycle na dala ng suspek sa Libis Espina St., ng lungsod alas-8 ng gabi na naging dahilan upang parahin at dalhin sa presinto at naibalik ang tricycle ng biktima.
The post Binata nagmaneho ng nakaw na tricycle, tiklo appeared first on Remate.