SA halip na magbabantay, isang jail guard ang babantayan sa loob ng selda matapos ireklamo ng pananapak ng isang konduktor ng bus sa Caloocan City, Biyernes ng hapon, Agosto 30.
Nahaharap sa kasong physical injury si JO1 Ganer Juaini, 27, nakatalaga sa Bureau of Jail and Management Penology ng National Capital Region Office matapos sapakin ang biktimasi Inocencio Satajo Jr., 25, konduktor ng bus.
Sa ulat, dakong 4:00 ng hapon, sakay ang suspek sa bus kung saan konduktor ang biktimang si Inocencio Satajo Jr., 25 at pagsapit sa General Simon St., ng lungsod ay siningil ang una.
Nagtanong pa ang biktima na kung estudyante ang suspek na ikinaasar ng huli sabay sapak sa nguso ng konduktor na naging dahilan upang magkagulo.
Inihinto ng driver ng bus ang sasakyan hanggang sa mapansin ng mga rumurondang mga pulis.
Nang lapitan, nalaman ang dahilan kaya binitbit sa presinto si Juaini at sinampahan ng nasabing kaso.
The post Jail guard nanapak, kalaboso appeared first on Remate.