UMAKYAT na sa 97 ang bilang ng patay sa paglubog ng M/V St. Thomas Aquinas matapos makasalpukan ang cargo vessel na Sulpicio Express 7 sa Cebu noong Agosto 16.
Sa huling tala, 97 na patay, 92 dito ang mga pasahero at lima ang crew habang may 40 pa ang nawawala kung saan 33 dito ang pasahero at pito ang crew ng barko.
Patuloy naman ang pagkontra ng mga Cebuano sa epekto ng oil spill dahil sa paglubog ng barko.
Kumuha na ng biodiversity expert ang 2Go group’s mula sa University of the Philippines (UP)- Visayas.
Sila ang maglilibot sa mga barangay para sa isang education campaign tungkol sa oil spill.
Pero ang ibang local government unit (LGU), sila na ang mismong nagsimula ng mga estratihiya kontra oil spill gaya ng Cebu City na naglalagay na ng mga indigenous oil spill boom sa mga coastal barangay.
The post Patay sa lumubog na barko, umakyat na sa 97, 40 nawawala appeared first on Remate.