NAGLATAG ng reward money ang pamahalaang lungsod ng Iligan para sa ikadarakip ng dalawang suspek na bumaril sa komentaristang si Fernando “Nanding” Solijon ng Love Radio 107.1 FM.
Sinabi ni Iligan City Mayor Celso Regenci,a umaabot sa P450,000 ang ibibigay na pabuya ng syudad para sa mga taong makapagbibigay ng anomang impormasyon o makapagtuturo sa mga suspect na bumaril kay Solijon.
Ayon kay Regencia, umaapela siya sa kanilang mga residente na tulungan ang awtoridad para mas mapadali ang paghanap sa utak sa pagpatay sa biktima.
Sinabi ni Regencia na inatasan na rin nito ang National Bureau of Investigation (NBI) Iligan District na magkasa rin ng pagtugis laban sa mga perpetrators.
Nilinaw naman agad ni Regencia na umaabot lamang sa P150,000 cash money ang maibibigay ng lungsod habang ang P300,000 ay manggagaling kay Lone District of Iligan Rep. Vicente Belmonte Jr.
Una rito, sinabi ni Iligan Tri-media Association president Philip Jaudian na politika ang isa sa mga motibo na kanilang hinala sa pagbaril kay Solijon.
Napag-alaman na si Solijon ang pangalawang komentaristang napaslang sa lugar simula noong taong 1983. Isa sa mga nilikida ay si Charlie Aberilla mula sa defunct DXWG AM radio habang ito ay nakaere sa kanyang programa.
The post P450,000 reward inilatag vs broadcaster killers appeared first on Remate.