NAGHAHANDA na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa napipintong kilos-protesta kontra pork barrel na tinaguriang Edsa Tayo na isinulong muli sa social media.
Ayon kay NCRPO Chief Gen. Marcelo Garbo Jr., magsasaliksik ang ilang intelligence officer upang matukoy kung sino ang nasa likod ng naturang protesta lalo’t sa social media ito nagsimula.
Gayundin, inatasan na rin ang mga director ng mga police district upang makipag-ugnayan sa mga posibleng grupong nasa likod ng naturang panawagan.
Ikinakasa na rin naman ng NCRPO ang seguridad na ipatutupad sa nasabing pagkilos na gaganapin sa Setyembre 11.
Sa Facebook event na pinangunahan ng netizens na sina Junep Ocampo, Bañares Rodel at Noel Wahe, ipinanawagan ang pagdalo ng mga Pinoy sa protest prayer vigil kontra pork barrel na nais nilang ipaabot kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino.
The post NCRPO naghahanda na sa Edsa Tayo appeared first on Remate.