PINAGLALAMAYAN na ngayon ang isang magsasaka nang pagsasaksakin at napatay ng kanyang bunsong kapatid sanhi ng labis na kalasingan sa Legazpi nitong Linggo ng gabi.
Ang biktimang si Berilyo Alama, 55, ng Barangay Banqueron ay nagtamo ng apat na saksak sa ilalim ng kili-kili at namatay noon din.
Sumuko naman agad at nakakulong na sa Legaspi PNP ang suspek na si Apolinario, 58.
Inamin din nito ang krimen pero idinepensa na lango siya sa alak nang maganap ang insidente.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 11:00 nitong Linggo ng gabi sa may bahagi ng Barangay Banquerohan sa lungsod ng Legazpi.
Bago ito, nag-iinuman ang magkapatid sa kanilang bahay nang sa hindi pa malamang ay bigla na lang nagtalo.
Sa gitna ng suntukan, ay kinuha ng suspek ang kutsilyo saka sinaksak ang kapatid.
The post Kuya grinipuhan ng bunsong kapatid, tigbak appeared first on Remate.