Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Junkshop worker, arestado sa kasong pagnanakaw

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang mister ng tangkain nitong nakawin ang kalakal  ng kanyang pinapasukan junkshop kaninang madaling-araw, Sept. 3, sa Ilang Ilang St., Brgy. Maysilo, Malabon City.

Kinilala ang suspek na si Michael Rebelito, 27, may asawa, junkshop worker, ng Sam Diego St., Brgy. Santulan ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni P02 Cleo Bejar ng Crimimal Investigation Branch (CIB) ng Malabon pulis,  alas-3:30 ng madaling-araw ng tangkain ng suspek na nakawin ang dalawang sako ng tanduay caps (recycled materials) sa pinapasukang shop na pag-aari ni Rolando Mabras, ng nasabing barangay.

Base sa salaysay ng may-ari ng jukshop, naglalaba siya ng kanyang damit ng biglang kumaluskos ang kanyang pintuan at nakita nitong inilalabas ang dalawang sako ng kanyang kalakal at isinakay sa isang nag-aantay na depabyak.

Agad humingi ng tulong ang bikitma sa police community precint (PCP1). Dahil dito, agad namang nagresponde sina P01 Jayson Laurete, P01 Romeo Germinal.

Dinakip ang suspek at dinala sa presinto.

Pormal na sinampahan ng kasong qualified theft si Michael sa piskalya ng lungsod.

The post Junkshop worker, arestado sa kasong pagnanakaw appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>