Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Boga ng sekyu aksidenteng pumutok; 3, sugatan

$
0
0

TATLONG trabahante ang nasugatan nang aksidenteng pumutok ang baril ng isang security guard habang naka-duty sa Barangay Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang mga biktima na sina Ginnalie Cadungog, 18; Jayson Agabon, 18, at ang 14-anyos na dalagita na si Darlin Intrina na pawang mga residente sa magkahiwalay na munisipyo ng nasabing lalawigan.

Nabatid na ang mga biktima ay nagtatrabaho sa tindahan ng Bambies Goldsmith kung saan nakatalaga ang security guard na si Florie Casipong Cañete, 23.

Ayon sa imbestigasyon, nagkakarga ng bala sa kanyang dalang shotgun rifle ang security guard nang aksidente niyang naiputok ang nasabing baril na tumama sa mga biktima.

Kaagad dinala sa De Villa Hospital sa Ipil ang mga sugatang biktima habang ang nasabing security guard ay boluntaryong sumuko sa istasyon ng pulisya dala ang kanyang baril na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Ipil municipal police station.

The post Boga ng sekyu aksidenteng pumutok; 3, sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>