Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Colorum, nasilo sa Balintawak

$
0
0

NASILO ng traffic operatives kaninang umaga (Setyembre 3) ang mga hindi awtorisadong sasakyan o kolorum sa may Balintawak, Quezon City.

Pumosisyon ang mga pinagsanib na puwersa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa may Camachile area dakong 6:30 ng umaga at inabangan ang mga kolorum na nagdadaan dito.

Isa sa mga lumabag na isang van na kulay berde at may plakang (USQ-396), ang pinara pero tinakbuhan sila ng drayber nito.

Nahuli din naman ito nang habulin at maabutan.

Sinabi ng MMDA at LTFRB na ang multi-agency anti-colorum operation, na tinaguriang Oplan Goliath, ay tatagal ng hanggang Pebrero 2014.

Nauna nang nangamba si MMDA Chairman Francis Tolentino na ang garahe na gigagamit sa mga nahuhuling mga sasakyan ay mapuno sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Tolentino na ang adhikain ng Oplan Goliath ay upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagwawalis sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila ng mga public utility vehicles na walang prangkisa.

The post Colorum, nasilo sa Balintawak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>