Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ex-Brgy Captain, 3 pang drug pusher, nalambat

$
0
0

ISANG dating barangay captain at tatlong hinihinalang drug pusher ang nalambat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na anti-drug operation, sa Ilocos Sur at La Union nitong nakalipas na Agosto 29, at Setyembre 1, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., ang
nadakip na suspek na sina Renato Tengsico, alias Atong, may-asawa, ng Barangay Poblacion Nort , Santiago, Ilocos Sur, Dondon Guerrero,34, ng  Barangay San Isidro, Candon City, Ilocos Sur, Marian Daguim, 24, ng Barangay San Francisco, San Fernando City, at Melchor Lorenzo,36,ng Barangay Rubio, Galimuyod, Ilocos Sur.

Ayon sa PDEA nitong nakalipas na Agosto 29, 2013 dakong 4:30 ng hapon nadakip ng pinagsanib na operatiba ng PDEA Regional Office 1 sa ilalim ni Director Jeoffrey Tacio at Santiago Police Station at Ilocos Sur Provincial Anti-Illegal Drug Special Operaton Task Group ang mga suspek matapos isilbi ang search warrant sa mga ito na pirmado ni Judge Sixto Deompac ng Branch 72, Regional Trial Court Narvacan, Ilocos Sur sa bahay ni Tengsico sa Barangay Poblacion Norte, Santiago, Ilocos Sur.

Ang operayon ay nagresulta sa pagkakaaresto ni Tengsico at pagkakakumpiska ng malaking plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu, dalawang medium size na plastic sachet  at maliit na naglalaman ng shabu at drug paraphernalia.

Nabatid sa PDEA na si Tengsico, ay three-term barangay captain sa naturang barangay na nadakip nitong nakalipas na Marso 2003 dahil sa paglabag sa Section 11, (Possession of Dangerous Drugs) at 12 (Possession of Equipment, Instrument and Apparatus for Dangerous Drugs), Republic Act 9165 na mas kilala sa tawag na The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

The post Ex-Brgy Captain, 3 pang drug pusher, nalambat appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>