SWAK sa kulungan ang isang hinihinalang drug pusher sa isinagawang drug buy-bust operation sa Quezon City nitong nakalipas na Setyembre 2,2013 (Lunes).
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang suspek na si Jose Javier,Jr., 32, ng 381 General Evangelista Street, Bagong Silangan, QC.
Ayon sa PDEA, nadakip ang suspek dakong 11:30 ng umaga ng mga operatiba ng PDEA Regional office-NCR matapos pagbilhan ng isang sachet ng shabu ang isang poseur-buyer sa kahabaan ng Nawasan Lane, Mapayapa Village 1, QC.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang mobile phone, 1 Yamaha Mio motorcycle na may plate number 3642 at dalawang P500 peso marked bills na ginamit sa buy-bust money.
Nabatid sa PDEA na si Javier ay kabilang sa target list na drug personalities sa Quezon City at umano’y kabilang sa anti-illegal drugs operation nitong 2011 ayon sa ulat ng ahensya.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165, na mas kilala sa the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
The post Tulak swak sa kulungan sa pagbebenta ng droga appeared first on Remate.