POSIBLE umanong may kinalaman sa droga ang dahilan ng pagpatay sa isang 42-anyos na miyembro ng Sputnik gang sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Benjamin Delos Santos, binata, walang trabaho ng 310 Lacson St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang insidnete.
Sa report ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 2:00 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay sa 147 Osmena St., Tondo, Manila.
Sa salaysay ni Joseph Ching, 20, isang pedicab driver, natutulog siya sa loob ng kanilang bahay nang nakarinig ito ng putok ng baril kaya lumabas ito ng bahay upang tignan ang pinanggalingan ng putok nang makita ang duguang katawan ng biktima sa loob ng pedicab ng isang Alias “Always”.
Sibihan din umano ni Always si Joseph na ilipat ang biktima sa tricycle upang mabilis na maisugod sa nasabing ospital sa ospital.
Ayon kay Vallejo, hinihinalang may kinalaman sa shabu ang pangyayari nang sabihan din ni alias Always si Joseph na sumakay ito sa kanya upang puntahan ang isang lalaki na nagbibigay sa kanya ng pera para pambili ng shabu.
Pinaghahanap din ng pulisya si alias Always upang magbigay liwanag sa pagkamatay ng biktima.
The post Kelot binoga dahil sa droga, dedo appeared first on Remate.