NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 62 katao kabilang ang crew at kapitan nang lumubog ang sinasakyan nilang banca sa karagatan ng Masbate.
Ayon sa PCG , naglalayag ang MB Sikaran 3 sa karagatan ng PIlar Sorsogon patungo sa Port ng Aroroy Masbate nang maubusan ng tubig na nagsusuplay sa cooling engine nito hanggang sa masira ang makina at tuluyang lumubog sa karagatan ng San Miguel Monreal, Masbate
Agad namang nakatawag ng saklolo ang isang Charlie Lawson sa pamagitan ng kanyang cellphone sa Coast Guard Sub Sation (CGSS) at sa tulong ng MB Edcel Ann 4 ay nagsagawa ng search and rescue operation (SRO).
The post 62 nailigtas sa lumubog na banca sa Masbate appeared first on Remate.