PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City, Huwebes, ng madaling-araw, Setyembre 5.
Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa dibdib at tiyan si Danny Torena, 20 ng Sawata, Maypajo ng lungsod.
Base sa ulat, ala-1 ng madaling-araw, naglalakad ang biktima sa kanilang lugar nang pagbabarilin ng suspek bago tumakas ang huli.
Inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng suspek.
The post Lalaki pinagbabaril, patay appeared first on Remate.