IMBES maglamay sa namatay na mahal sa buhay, isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pinaglalamayan na rin ngayon nang saksakin ng lasing na lalaki sa burol ng kanyang lola sa Masbate, Miyerkules ng gabi, Setyembre 4.
Isang saksak sa dibdib ang ikinamatay noon din sa burol ng biktimang si July Regalario, nakatalaga sa bayan ng Paracale, Camarines Norte.
Sumuko naman sa barangay officials ang suspek na si Jimmy Patropez at pagtatanggol sa sarili na lasing lamang siya kaya niya sinaksak ang biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-11:15 ng gabi sa mismong huling gabi ng burol ng lola ng biktima sa Sitio San Vicente, Barangay Dancalan, San Pascual, Masbate.
Bago ito, naglalamay lamang ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa huling gabi ng burol ng kanyang lola nang lapitan at saksakin ng suspek na noon ay lango sa alak.
The post PCG member pinatay sa lamay ng lola appeared first on Remate.