KRITIKAL ang kalagayan ng 49-anyos na barker nang patraydor na saksakin sa dibdib ng asawa ng kanyang hinalay na ginang matapos matiyempuhan ang una na nagsusugal ng cara y cruz kagabi sa Parañaque City.
Agaw-buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Bobby Locilo, ng Blk 5, Lot 57, Seaside Square, Barangay Tambo sanhi ng malalim na saksak sa kanang dibdib.
Kalaboso naman ang suspek na si Freddie Magatanaw, 44, kapitbahay ng biktima makaraang dakpin ng mga rumespondeng barangay tanod.
Ayon kay SPO1 Rudy Dimson ng Parañaque Police Station Investigation Detective Management Branch, natuklasan ni Magtanaw ang panggagapang ni Locilo sa kanyang asawa na itinago sa pangalang “Joy” nang minsang wala siya sa kanilang tirahan, may tatlong buwan na ang nakararaan.
Dalawang buwang buntis si Joy nang magising sa maiinit na kamay na gumagapang sa kanyang maseselang bahagi ng katawan na inakalang ang kanyang asawa subalit huli na nang matuklasan na ang kapitbahay palang si Locilo ang gumapang sa kanya.
Inilihim muna ni Joy ang kapangahasang ginawa ng kapitbahay subalit nang limang buwan na ang kanyang pagdadalantao, ipinagtapat na rin sa asawa ang panghahalay ng kapitbahay sa takot na muling maulit ang pangyayari.
Dakong alas 7:15 ng gabi nang matiyempuhan ni Magtanaw si Locilo habang nagsusugal ng cara-y cruz sa kanto ng MIA Road at Roxas Boulevard, Barangay Tambo kaya’t palihim niya itong nilapitan at pa-traydor na tinarakan ng patalim sa kanang bahagi ng dibdib.
The post Barker na nangreyp ng buntis, niresbakan appeared first on Remate.