UMAKYAT na sa 83 Pilipino ang nasa death row sa walong ibat ibang bansa.
Sa budget hearing ng Department of Foreign Affairs, lumalabas na pinakamaraming Pinoy ang nasa death row sa China sa bilang na 28 na ang mga kaso ay ukol sa ipinagbabawal na gamot.
Aabot naman sa 24 ang nakabilanggo sa Kuala Lumpur, 16 sa Riyadh, siyam sa Jeddah at tig-isa naman sa Kuwait, San Francisco California, Jakarta at Hanoi.
Sa kabuuan ayon kay DFA Secretary Albert del Rosario ay nasa kabuuang 696 na Pilipino ang nakakulong sa iba’t ibang bansa dahil sa drug related cases.
Pinakamarami naman aniyang nakabilanggo Pinoy sa Middle East at Africa.
Inamin ni Del Rosario na naaalarma na ang gobyerno sa malaking bilang na ito kaya tuloy-tuloy ang ugnayan nila sa mga law enforcement agencies para higpitan ang pagpapatupad ng batas kontra droga.
The post Pinoy na nasa death row sa ibang bansa, 83 na appeared first on Remate.