SIYAM na Pinoy ang inaresto sa crackdown ng illegal workers sa Malaysia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni DFA spokesman Raul Hernandez, ang pagkakadakip sa Pinoy ay batay sa impormasyong ipinaabot ng embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur.
Ang pagkakahuli sa mga Pinoy ay bahagi ng nagpapatuloy na crackdown ng Malaysian government sa mga undocumented foreign workers.
Ayon kay Hernandez, ang walo ay naaresto sa Labuan habang ang isa ay nahuli sa Bintulu, Sarawak.
Patuloy daw na minomonitor ng DFA ang sitwasyon at nanawagan sa mga Pinoy sa Malaysia na kompletuhin ang kanilang mga immigration documents.
The post Crackdown sa Malaysia, tuloy; 9 Pinoy, arestado appeared first on Remate.