NAGSASAGAWA ng masusing imbestigasyon ang arson investigators kaugnay sa naganap na sunog sa Lanang, lungsod ng Davao na ikinamatay ng isang miyembro ng pamilyang Manto.
Naganap ang sunog kaninang ala-1:45 ng madaling araw sa harap lamang ng Grand Regal Hotel na Airman Car Airconditioning shop.
Tumagal ang sunog hanggang kaninang alas-3:00 ng madaling araw.
Sinasabing na-trap sa kanilang bahay ang pamilya Manto na naging dahilan sa pagkamatay ng biktimang kinilalang si Nilo Manto at pagka-ospital nina Victor Manto, 65; Mirriam Manto, 55; Timothy John Mantos, 20; Haedy Manto, 37, maybahay ni Nilo Manto, kanilang anak na si Stephanie Manto, 16; Aileen Manto, 12, at Niel John Manto, 10 na pawang nakalanghap ng usok.
Nailigtas lamang ang mga na-trap na pamilyang Manto gamit ang boom track ng Rescue 911.
The post 1 patay, 7 naospital sa sunog sa Davao appeared first on Remate.