NAHAHARAP sa kasong poaching ang Taiwanese fisherman na naaresto sa karagatang sakop ng Batanes Island.
Ito ay matapos marekober sa sasakyang pangisda ni Tsai Pao ,53, ang ilang lobster, ornamental fist at mga pating.
Bunsod nito, naging malakas ang ebidensya upang kasuhan si Pao na ngayon ay nasa kustodiya ng Batanes provincial police office.
Nagtangkarin umano si Pao na tumakas nang mamataan itong nangingisda ng mga Bantay Dagat sa bahagi ng Itbayat habang lulan ng kanyang sasakyang pandagat na may registry number na 3512.
The post Naarestong Taiwanese fisherman, kinasuhan ng poaching appeared first on Remate.