TINATAYANG aabot sa P200,000 halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy matapos masunog ang isang Chinese restaurant kagabi sa kanto ng Jose Abad Santos at Padre Algue Streets sa Tondo, Maynila.
Nagsimulang sumiklab ang apoy dakong 9:00 at idineklaramg fire out pasado alas-10:00 ng gabi.
Wala namang naiulat na nasugatan maliban sa dalawang bumbero na nakalanghap ng usok na binigyan naman ng paunang lunas.
Inaalam pa ng imbestigador ng Fire Bureau kung ano ang sanhi ng sunog.
The post Chinese resto, nasunog appeared first on Remate.