DUMULOG sa Manila Police District-Anti Carnapping Unit ang isang photojournalist ng isang pahayagan matapos nakawin ang kanyang motorsiklo sa Tondo, Maynila.
Sa reklamo ni Brian Gem Bilasano, 29, photojournalist ng pahayagang HATAW at residente ng 2622 Callejon R. Fernandez St., Tondo, Maynila, dakong alas 10:00 ng gabi nang mapansing niyang nawawala ang kanyang motorsiklo na Honda wave 6011TQ na kulay itim.
Ayon kay Bilasano, nakaparada lamang ang kanyang motor sa tapat ng kanilang bahay kaya agad niyang ipinagbigay alam sa pulisya.
Dahil dito, agad namang nagpakalat ng alarma si P/Sr.Insp.Rosalino Ibay Jr., hepe ng ANCAR upang agad na matunton ang motorsiklo ni Bilasano.
Nabatid na mayroon naman umanong CCTV sa lugar ngunit pag-aaralan pa ang mga footages nito kung nakuha ang aktong pagnanakaw sa motorsiklo ng photojournalist.
The post Photojournalist, nanakawan ng motorsiklo sa tapat ng bahay appeared first on Remate.