Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

NCRPO naka-alerto sa EDSA Tayo rally

$
0
0

BAGAMAT NO rally zone ang Edsa Shrine,ay walang magagawa ang kapulisan kungdi bantayan ang “EDSA TAYO”  na ang sentro ng tagpuan ng mga raliyista ay ang naturang shrine.

Patuloy pa rin na nakikiusap ang NCRPO sa organizer ng rally  na palitan na lamang ang venue ng rally mula sa EDSA ay sa Luneta na lamang kung saan naganap ang One Million Rally kaugnay sa Pork Barrel Scam.

Ayon kay NCRPO Director Marcelo Garbo Jr. ,nasa “examination week ” na umano ang mga unibersidad at kolehiyo sa mga darating na araw kayat malaking epekto ang nasabing rally sa mga mag-aaral.

Tiwala naman ang NCRPO na hindi aabot sa Metro Manila ang tensyon sa Zamboanga at walang intelligence report na may magsasamantalang mga kapanalig ng MNLF para magsagawa ng terorismo sa kamaynilaan .

Tinatayang hihigit pa sa One Million Rally ang dadalo sa pagkilos sa EDSA TAYO na kontra sa pork barrel.

Ayon pa kay Garbo, isasailalim sa red alert ang buong pwersa na kapulisan sa Metro Manila simula ngayong Martes.

Mahigpit din anilang pinagbabawal ang pagdadala ng backpack sa mga dadalo sa naturang pagkilos at ito ang kanilang babantayan  sa darating na rally.

Ikakalat naman ng Metromanila Development Authority ang kanilang mga tauhan upang panatilihing maluwag ang mga kalsada na patungong mga ospital at pangunahing serbisyo ng pamahalaan.

The post NCRPO naka-alerto sa EDSA Tayo rally appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>