SUGATAN ang tatlo katao at tinatayang P1 milyon halaga ng ari-arian ang natupok sa nasunog na imbakan ng kandila Tondo, Maynila kagabi.
Nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay a pag-aari ni Alex Rivera na matatagpuan sa Zaragosa at Delpan St. dakong alas 9:00 ng gabi at tuluyang naapula alas 10:26 ng gabi.
Nabatid na puno ito ng panindang kandila kaya mabilis na umalat ang apoy.
Ayon kay Manila Bureau of Fire Protection Chief Insp. Bonifacio Carta, habang inaapula ang sunog ay nahulog ang isang bumbero mula sa ikalawang palapag. Kinilala ang biktima na si FO4 Juan De Guzman.
Hindi naman makahinga sa nalanghap na usok si FO1 Balong Anging habang isa pang ayaw magpakilalang binatilyo ang nasugatan din nang matalsikan ng basag na salamin.
Sinabi ni Carta na nasa maayos nang kalagayan ang tatlo matapos binigyan ng first aid.
Wala namang nadamay pang ibang bahay sa naganap na sunog.
The post 3 sugatan, P1-M natupok sa sunog sa imbakan ng kandila appeared first on Remate.