NAGPAKAMATAY sa pamamagitang ng pagbibigti ang isang lalaki na umano’y laging bigo sa pag-ibig sa Guisad Surong, Baguio City.
Kinilala ang biktima na si Giovanni Burgos, 25-anyos, construction worker, tubong La Union at nangungupahan sa nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakita ng ina ng biktima na nakabitin sa divider ng kusina at living room ng inuupahan nilang bahay gamit ang isang nylon cord.
Napag-alamang ika-apat na beses na itong pagtatangka ng biktima sa kanyang buhay dahil sa pakikipaghiwalay ng mga naging nobya nito.
Kaagad namang nadala ang bangkay ng biktima sa isang funeral parlor sa lungsod ng Baguio para sa post mortem examination.
The post Binatang busted sa pag-ibig nagbigti, patay appeared first on Remate.