SWAK sa kulungan ang isang binata nang paglalamasin nito ang boobs ng natutulog na dalagita kaninanag madaling araw Sept. 11,sa Daang Hari, Navotas City.
Kinilala ang suspek na si Ryson Glorioso, 20, binata ng Monte Loyola St., San Roque ng lungsod.
Base sa imbestigasyon ni P01 Josephine Imee Yebra ng Woman and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas pulis, dakong alas 4:45 ng madaling araw ng paglalamasin ang dibdib ng biktimang itinago sa panagalang Jovita, 15, ng Raja Soliman St. ng nasabing barangay.
Nabatid sa pahayag ng ayaw ng magpakilalang saksi, natutulog ang biktima malapit sa pintuan ng kanyang bahay ng palihim na lapitan ng suspek at agad na hinalikan at pinaglalamas ang boobs.
Nagising ang biktima at agad na nagsisigaw, humingi ng tulong na nakatawag pansin kina barangay tanod Jaime Vibal at Ronaldo Ramos kaya agad nagresponde at hinuli ang suspek at dinala sa presinto.
Si Glorioso ay sinampahan ng mga awtoridad ng kasong acts of lasciviousness sa piskalya ng lungsod.
The post Binata nanlamas ng boobs, kalabaso appeared first on Remate.