NASAKOTE ng mga alagad ng batas ang 19-anyos na tinaguriang No. 2 Most Wanted Person sa lalawigan ng Quezon.
Matagal nagtago si Ricky Barrios na residente ng Barangay Mangilag Sur, Candelaria, sa naturang lalawigan dahil sa kasong kinahaharap nito.
Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Dinah Angeline Belulia-Bandong, presiding judge ng RTC branch 59, sa kasong murder.
Nakuha sa suspek ang isang granada, isang 1 caliber .45 pistol, isang magazine para sa caliber .45 at siyam na live ammunition.
Nasa kustodiya na ngayon ng Candelaria Municipal Police Station ang naturang suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong kahaharapin nito.
The post 2nd most wanted person sa Quezon, arestado appeared first on Remate.