BINABANTAYAN ngayon ang namumuong low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na namataan sa layong 750 kilometro sa silangan ng Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ayon kay PAGASA forecaster Fernando Cada, maaaring higupin ng nasabing LPA ang mas mahinang weather system sa mga susunod na araw.
Wala namang umanong dapat ikabahala hinggil sa malayong weather disturbance formation dahil patungo ito sa Japan at hindi tatama sa ating bansa.
Gayunman, ang mga kaulapang dala ng mas mahinang LPA ay posible pa ring magdulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa dahil nakapaloob ito sa inter tropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hangin na may magkakaibang temperatura sa Pacific Ocean.
The post 2 LPA, binabantayan sa Silangan ng Phl – PAGASA appeared first on Remate.