Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

LPA magpapaulan sa bahagi ng Luzon

$
0
0

INAASAHAN ang mga pag-ulan ngayong araw lalo na mamayang hapon o gabi sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa low pressure area (LPA), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa ulat ng PAGASA, tinukoy nito ang LPA na nasa layong 270 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora na siyang nagdadala ng mga pag-ulan lalo na sa bahagi ng Metro Manila.

Dahil dito, asahan pa umano ang mga nararanasang mga pag-ulan hanggang sa susunod na linggo.

Samantala, makakaranas naman ng maulap na kalangitan ang lugar ng Cagayan Valley na may dalang mga pag-ulan.

Kaugnay nito, may mga naitalang pagbaha sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR) partikular na sa Caloocan City na hanggang gutter deep, habang may pagbaha rin sa bahagi ng R. Papa sa LRT station sa lungsod ng Maynila.

The post LPA magpapaulan sa bahagi ng Luzon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>