KINANSELA muna ngayon ang search operations sa 22 pang nawawalang pasahero at crew ng lumubog na MV Saint Thomas Aquinas, sa Talisay City, Cebu.
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na simula pa noong Sabado suspendido ang kanilang search operations.
Ito’y upang tumutok na sa imbestigasyon ng Special Board of Marine Inquiry.
Nananatili sa 115 ang bilang nang narekober na bangkay mula sa lumubog na passenger vessel.
Magugunita na Agosto 16 nang mabangga ng cargo vessel na MV Sulpicio Express 7 ang Saint Thomas Aquinas.
The post Search operations sa lumubog na barko sa Cebu, kinansela na appeared first on Remate.