PATAY ang isang pintor makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin matapos makipaglamay sa kanilang kabarangay sa Payatas, Quezon City kaninang madaling-araw, Setyembre 15.
Kinilala ang biktima na si Enrique Oreiro, 36, ng 28 Ipil-Ipil Street, Payatas, QC na nasawi noon din.
Ayon kay PO2 Hebry Tingle, ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente sa Ipil-Ipil Street, Brgy. Payatas, dakong 1:45 ng madaling-araw.
Sinabi sa ulat na katatapos lamang bumisita sa lamay ang biktima sa kanilang namatay na kabarangay nang maganap ang insidente.
Nakatayo sa naturang lugar ang biktima nang biglang dumating ang hindi nakikilalang salarin saka binaril sa likod, ulo at katawan ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek na naglakad lamang at parang walang nangyari.
The post Pintor na nakipaglamay, pinaglamayan appeared first on Remate.