LIMANG hostage kabilang ang dalawang bata ang nakatakas kaninang umaga sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa kasagsagan ng bakbakan sa Zamboaga City.
Nakatakbo agad ang mga hostage sa naghihintay na bus na guwardyado ng mga police personnel.
Nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) sa Zamboanga City, ang limang hostage dagdag pa sa ulat.
Nauna rito, ilan din sa hostages ang nakatakas o pinalaya sa kasagsagan ng awayan sa pagitan ng gobyerno at MNLF fighters sa Zamboanga City.
Anim na hostages, kabilang ang mga kabataan ang pinalaya ng MNLF noong Setyembre 10, isang araw matapos kubkubin ang ilan sa mga barangay sa lungsod.
Noon namang Setyembre 13, pinalaya ng mga rebelde ang Catholic priest na si Fr. Michael Ufana pero hindi pinayagan na maisama ang kanyang tatay na makalibre.
Sa pagpasok sa ikapitong araw ng krisis sa Zamboanga City, napaliit na ng tropa ng pamahalaan ang ginagalawan ng Moro National Liberation Front rebel sa 3 barangay sa Zamboanga City.
Sa panayam kaninang umaga kay Interior Secretary Mar Roxas, sinabi nito na ang MNLF fighters ay na-trap sa Barangay Sta. Barbara, Sta. Catalina, at Talon-Talon.
The post 5 hostage ng MNLF sa Zambo nakatakas appeared first on Remate.