BILANG bahagi ng proyekto para sa pagsasaayos, pagpapaganda at pagpapaunlad sa lungsod ng Maynila, maglalagay ang lokal na pamahalaang lungsod ng Wifi at CCTV cameras sa mga waiting shed o bus stops sa Maynila.
Nabatid na 12 bagong bus stops o waiting shed ang kakabitan ng CCTV cameras at Wifi na magsisimula umanong i-activate sa Biyernes.
Layon umano ng nasabing proyekto na mahikayat ang mga mananakay na magtungo sa tamang sakayan at babaan na itinakda ng Manila Traffic Parking Bureau at nang pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Manila Traffic Czar at Vice Mayor Isko Moreno.
Ilan lamang, aniya, ito sa proyekto ng local na pamahalaan para sa pagpapaunlad sa lungsod.
Isa lamang sa bagong waiting shed na itinayo ay sa University of Sto. Tomas (UST).
Kaugnay nito, mahigpit ding ipinatutupad ang loading and unloading zone upang mapanatiling maayos ang daloy ng trapiko sa lungsod.
The post Bus stops sa Maynila, kakabitan ng CCTV at Wifi appeared first on Remate.