NAGTAPOS ang buhay ng isang 4th year engineering na working student matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo ng isang humaharurot na delivery truck sa North bound lane ng Katipunan Avenue sa lungsod ng Quezon.
Kinilala ang biktima na si Ariel Delos Santos, fourth year engineering student ng Technological Institute of the Philippines (TIP).
Sa inisyal na imbestigasyon, papauwi na sana si Delos Santos mula sa pinapasukang fast food chain nang mangyari ang malagim na aksidente. Todo hingi naman ng tawad ang driver na si Edmar Luna.
Inihahanda na ngayon ng QCPD ang kaso laban sa driver ng delivery truck.
The post Engineering student nasagasaan ng truck, patay appeared first on Remate.