MAY ilan ng testigo ang lumutang para tumulong sa ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagpatay sa advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Kaugnay nito, mayroon ng ‘lead’ ang mga pulis sa suspek sa pagpatay Davantes.
Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group head S/Supt. Rolando Fajardo, ilang testigo na ang lumutang matapos maglaan mismo ang Pangulong Benigno Aquino III ng P2 milyon na pabuya para sa ikaaaresto ng mga salarin.
Ito ay maliban pa sa naunang P500,000 na inalok mula sa kompanya ni Davantes at city government ng Las Piñas.
Sa panig ni Task Force Davantes director C/Supt. Christopher Laxa, malaking tulong umano para mapabilis ang kanilang trabaho ang nasabing reward money.
Una nang pinaniniwalaan na posibleng dalawa ang pumatay sa biktima na may tama ng saksak at may busal sa bibig.
Nitong nakaraang Linggo, narekober ang sasakyan ng biktima sa bahagi ng Las Piñas City.
The post Testigo vs suspek sa Davantes case, lumutang appeared first on Remate.