BINARIL sa loob mismo ng bibig ang isang barangay tanod habang nagpapatrolya sa binabantayan nitong construction site sa Aklan kaninang madaling-araw (Setyembre 19).
Nadatnan na lamang na patay na at may isang tama ng bala sa bibig na tumagos sa leeg ang biktimang si Tito Francisco, 53-anyos, residente ng Barangay Pawa, Nabas, Aklan. Mismong mga construction workers ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima.
Blangko naman ang Nabas PNP kung sino ang pumatay at ano ang motibo sa krimen dahil maging ang baril na ipinangbaril ay hindi makita sa crime scene.
Sa ulat, naganap ang insidente sa pagitan ng 1 hanggang 3 ng madaling-araw sa isang construction site sa ipapatayong building sa Barangay Rizal, Nabas, Aklan.
Bago ito, nabatid na naatasang magbantay sa naturang lugar ang biktima pero habang nagpapatrolya sa loob ng compound ay biglang may bumaril dito.
Walang nakasaksi sa insidente.
The post Barangay tanod binoga sa bibig, todas appeared first on Remate.