PATAY na at nawawala ang mahahalagang gamit ng isang kelot nang matagpuan patay sa kuwarto ng motel sa Caloocan City, Miyerkules ng umaga, Setyembre 18.
Nakilala ang biktima base sa nakuhang passport na si Bernardino Repumanta, nasa hustong gulang ng Bernabe Cmpd., Pulang Lupa, Las Piñas City.
Sa ulat, alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na brief lang suot sa room 265 ng Sogo Motel sa EDSA Monumento ng lungsod.
Lumalabas na alas-6, Martes ng gabi, nang mag-tsek-in ang biktima at pagsapit ng alas-7 ay tinatawaganito dahil tapos na ang oras subalit hindi na sumasagot na naging dahilan upang buksan ang kuwarto at tumambad ang bangkay ng biktima.
Marami rin bote ng alak sa loob ng kuwarto kung saan nawawala ang mga gamit ng biktima. Wala naman makapagsabi sa mga tauhan ng Sogo kung may kasama ang biktima nang mag-tsek-in.
Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.
The post Kelot natagpuan patay sa motel appeared first on Remate.